7

Jan 15, 2021 @ 0:24
By

Hinihinalang big-time drug personality timbog sa Zamboanga

Arestado ng mga awtoridad ang isang hinihinalang big-time drug personality sa isinagawang buy bust operation kahapon sa Zamboanga City.

Kinilala ng mga awtoridad ang inaresto bilang si Nurbaser Sakandal na tubong Basilan at pansamantalang naninirahan sa Bgy. Campo Islam.

Nasamsam kay Sakandal ang 150 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.

Ayon kay Maj. Chester Natividad, dalawang linggo nang minamanmanan ng kapulisan si Sakandal.

Kasalukuyan nang nakakulong ang 32-anyos na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?