173

May 20, 2022 @ 16:16
By

Hindi uubra sa Indonesia? ‘Dogie’ sunog sa Blacklist International

Sunog sa Twitter si Setsuna “AkoSiDogie” Ignacio, isang Filipino Mobile Legends professional player.

Ito’y matapos ilampaso ng Philippine Mobile Legends team na SIBOL ang karibal na Indonesia, 3-1, para makuha ang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Tila minaliit kasi noon ni “AkoSiDogie” ang Blacklist International na siyang kumatawan sa Team SIBOL ng Philippine squad.

Aniya, 90 porsiyentong hindi magkakampeon ang Blacklist International sa SEA Games kapag nakatapat ang Indonesia.

Viral ngayon ang naging shoutout kay “AkoSiDogie” ng kapitan ng Blacklist International na si Hadji matapos manalo ng gold medal ang Pilipinas.

“Shoutout nga pala kay Dogie, ikaw lang ‘yung takot eh,” saad niya na ikinahiyaw ng ibang member ng Blacklist International. (IS)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?