41

May 19, 2020 @ 13:02
By

Hindi talaga kayang lahat! Roque dumepensa sa walang mass testing

Nagpaliwanag si presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang nagging pahayag na walang plano ang gobyerno na magsagawa ng mass testing sa ngayon.

Sa panayam sa ‘The Source’ ng CNN Philippines, kahit saang bansa ay hindi kaya na bawat tao ay maps-COVID-19 test.

Ani Roque, sinusundan ngayon ng Pilipinas ang modelo ng South Korea na masailalim sa testing ang 1.5 hanggang 2 percent lamang ng populasyon na tinawag nitong ‘expanded testing’.

“It’s not accurate that we do not have a mass testing policy. Let me underscore the following, number one, no country in the world tests every citizen, that’s a fact,” sambit ni Roque.

“So what we are doing is to follow the best examples we have. Right now we are trying to follow the footsteps of South Korea and right now the goal is to test 1.5 to 2 percent of the total population,” aniya pa.

Ibig sabihin ay papalo lamang sa 2.2 milyon na tao ang target mapa-test ng gobyerno sa 110 milyon na total population ng Pilipinas.

Sa ngayon ay nasa 207,823 katao pa lamang ang sinailalim sa COVID-19 testing, malayo pa sa target ng Duterte administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?