29
Aniceto
By

Hindi ‘sincere’ ang Kuwait na maresolba ang problema ng OFWs – solon

Sharing is caring!

Sinuportahan ni ACTS-OFW partylist Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III ang apela ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Pilipino sa Kuwait lalo na sa mga domestic workers, na umuwi na sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Bertiz na pangunahing concern talaga sa Kuwait ang domestic workers dahil hindi sila sakop ng labor laws doon habang ang Kuwaiti government ay mas protektado ang employers.

“Without adequate legal protection, domestic workers are naturally vulnerable to abuse and exploitation because they live with their employers and their skills are easy to replace,” ayon kay Bertiz.

“In the case of professionals in Kuwait, there’s really no problem because they are protected by their skills. Employers avoid mistreating highly skilled staff because they are difficult to replace,” dagdag ng kongresista.

Gayunpaman, sang-ayon ang mambabatas sa total deployment ban dahil hindi rin naman anya sincere ang Kuwait na maresolba ang problema ng mga OFW.

Sa katunayan, nang unang itigil anya ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga manggagawa doon ay nagsimula na itong kumuha ng Ethiopian domestic laborers.

Bukod sa Pilipinas, top suppliers din ng domestic workers sa Middle East ang Sri Lanka, Bangladesh, Nepal at India.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?