324
sandiganbayan
Sep 6, 2019 @ 15:29
By

Hindi si Napoles: Jinggoy mastermind ng PDAF scam! – Sandiganbayan

Si dating Senador Jinggoy Estrada ang tinuturong mastermind o main plunderer sa kontrobersyal na pork barrel scam.

Ayon sa resolusyon na nilabas ng Sandiganbayan fifth division, sinaad na si Jinggoy, at hindi si Janet Lim-Napoles, ang nag-orkestra ng umano’y P183.79 katiwalian sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“It is apparent that the information refers to Estrada as the mastermind of the PDAF scheme or the main plunderer. The main plunderer is a public officer,” ayon sa resolusyon.

“In the present information, only two accused are public (officials), Estrada and (chief of staff Pauline Therese Mary) Labayen. In the (Gloria) Arroyo case, it is hard to determine who the main plunderer is considering that there is an enumeration of the names of all the accused who are all public officials who occupy positions with authority, connections and influence, which is not the case in the present information,” saad pa.

Na-convict na si Napoles sa plunder case, habang napawalang-sala naman ang ngaying Senador muli na si Bong Revilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?