12

Dec 11, 2020 @ 20:41
By

Hindi sanay! Tenorio nawirdohan sa kampeonato

Noong Miyerkoles, nasungkit ni LA Tenorio ang kanyang unang kampeonato sa PBA Philippine Cup.

Ngunit kahit naabot na ang tugatog ng tagumpay, wala pa munang balak magpahinga ang tinaguriang ‘Iron Man’ ng PBA.

“As long as I continue to inspire at maging modelo ako sa aspiring basketball players, I will continue to play,” saad ng Ginebra veteran sa ‘Sports Desk’ ng CNN Philippines.

Aniya pa, bagama’t pinakamatamis kay Tenorio ang bagong kampeonato, aminado siya na medyo nawirdohan siya lalo’t hindi nakasama ang mga fan sa pag-celebrate ng panalo.

“Sobrang saya pero parang may kaunting weird feeling after winning the championship kasi kayo kayo lang ang nag se-celebrate,” lahad ni ‘Tinyente’. “Syempre sanay tayo na maraming tao.”

Sa nasabing serye kontra TNT, si Tenorio ang tinanghal na Finals MVP kung saan nag-average siya ng 13.6 points, 6.2 assists, 2.8 rebounds, at 1.4 steals .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?