17

Feb 5, 2021 @ 17:44
By

Hindi rehistradong motorsiklo umabot sa 47K – LTO

Umabot sa 47,866 ang hindi rehistradong motorsiklo sa bansa base sa datos na iprinisenta ng Land Transportation Office sa Senado mula 2016 hanggang 2020.

Sa presentasyon ng LTO sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, sinabi ng ahensiya na kabuuhang 10,223,623 bagong stock ng motorsiklo na naitala mula 2016 hanggang 2020.

Subalit 10,175,757 lang na bagong rehistro ng motorsiklo na naturang period.

Samantala, may 14,028,739 bagong motorcycle registration mula 2011 hanggang 2019, subalit may 5,378,527 registration para sa renewal para sa taong 2020.

Nagresulta ito sa tiantayang 8,650,212 motorsilo na may “delinquent” registration, sabi ng LTO.

Bukod diyan, may kabuuhang 7,328,116 registered motorcycle nitong disyembre 2020, na binubuo ng 1,949,589 na bagong unit at 5,378,527 para naman sa renewal.

Kabilang ang mga motorcycle unit na mayroon at walang sidecar at non-conventional unit o iyong tinaatawag na three-wheeled vehicle.

Samantala, may kabuuhang 36,848 krimen ang naitala na may kinalaman sa riding-in-tandem mula pa noong 2020, kabilang ang 8,805 na nasawi sapul pa noong 2018.

Mula Enero hanggang Peberero nga taong ito, 24 ang napatay ng mga riding-in-tandem suspek.

Paliwanag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, deputy chief for administration ng Philippine National Police (PNP), pangkaraniwang ginagamit ng mga kriminal ang motorsiklo dahil madali itong imaneho at makatakas kahit ng matindi ang trapik sa mga lansangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?