136

May 21, 2019 @ 17:31
By

Hindi raw political dynasty: Magkakapatid na Cayetano, inspiradong magserbisyo

Pumasok umano sa politika si Taguig 2nd District Rep. Pia Cayetano at dalawang kapatid na lalaki hindi para bumuo ng political dynasty kundi lahat sila’y inspirado umanong magsilbi sa bayan.

“I was born of a father who served his country well and it so happened that my brothers are equally inspired,” saad ni Cayetano sa CNN Philippines.

Palong-palo ang pamilya Cayetano sa katatapos lang na midterm polls.

Maliban kasi sa pasok si Pia sa Magic 12 sa senatorial race, wagi rin sa congressional race ang kapatid nitong si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter at misis na si incumbent Taguig Mayor Lani.

Nailuklok din ang kapatid ni Pia na si Lino bilang alkalde ng Taguig. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?