1,750

Dec 3, 2021 @ 22:27
By

Hindi ramdam diwa ng Pasko sa Pasig? Vico bumuwelta kay Eusebio

Pinabulaanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang paratang tungkol sa kawalan ng Christmas decor sa lungsod kaya hindi ramdam ng mga mamamayan nito ang diwa ng Pasko.

“Mayroon naman, hindi lang siguro siya nakakaikot, hindi lang ganoon karami,” ani Sotto sa ABS-CBN report.

Sa Facebook post, pinuna ni ex-Pasig Mayor Bobby Eusebio ang kawalan ng dekorasyon na pang-Pasko sa lungsod.

Aniya, hindi ramdam ng mga Pasigueño ang diwa ng Pasko dahil sa kakulangan ng mga dekorasyon tulad ng Christmas lights at parol.

Pero sabi ni Sotto, inuna nila ang pagbili at pamimigay ng mga Christmas food pack para sa lahat ng Pasigueño.

Dati raw kasi ay hindi nabibigyan lahat ng Pasigueño ng Pamaskong Handog kundi iyon lamang mga malapit sa nakaupo.

“Ako, bilang mayor, kung ano ‘yung gusto ng tao, ‘yun ‘yung binibigay natin using their funds,” giit ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?