77

Hindi pwedeng forever palpak! LRT, MRT kinalampag na ng Malacañang

Kinalampag ng Malacañang ang mga nangangasiwa sa railway system sa Metro Manila partikular ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) dahil sa malimit na pagpalya ng ilang tren na nagseserbisyo sa libo-libong mga Pilipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat mayroon nang pagbabago sa LRT at matugunan ang pagpalya ng ilang tren nito.

Nagtataka ang kalihim kung bakit pumapalya pa rin ang takbo ng ilang tren gayong ito ang dinatnang problema noon ng mga nakaupong opisyal ngayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kung maintenance aniya ang problema na siyang palagi nitong naririnig, madali namang solusyonan ito sa pamamagitan ng regular maintenance.

“Ang solusyon dun, there should be improvement in the LRT kung anong problema nila why it’s bogging down. So, ibig sabihin, maintenance ang problema, you’re not maintaining it properly. So, I think the management of LRT should know how to respond to this. Kasi, bakit nagba-bog down? Ang palaging naririnig ko, kasi worn out, walang piyesa. Parang ‘yung mga problemang iyon kadali lang naman bigyan ng solusyon ‘yun – ‘di um-order ka ng ano… i-regular ang maintenance mo,” ani Panelo.

Hindi naman aniya maaaring tanggapin na lamang ng publiko ang sitwasyon na tila ba walang magagawa ang gobyerno para maayos at mapaganda ang serbisyo ng LRT at MRT dahil mayroon namang mga paraan para masolusyonan ang problema at kung hindi aniya magagawa ito, indikasyong may problema ang management.

“I want them to improve their services, if I were to be asked. Hindi naman pupuwedeng forever tayong ganito. As I’ve said, if the problem is on the kind of transport we have, then there is a solution to that. You change the mean of transportation itself or if there is a problem on the operation with respect to its spare parts, hindi rin problema ‘yun; madali ring gawan ng paraan. I cannot understand why they cannot do that. If they cannot do that, then there’s something wrong with management,” dagdag pa ni Panelo.

Idinagdag pa ng kalihim na kung hindi na magagawan ng paraan ang problema sa LRT at MRT, baka kailangan na aniyang palitan ang LRT at bumili ng mga bagong tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?