31
sherwin-gatchalian
By

Hindi puwedeng pamalit ang ‘God cam’ sa body cam – Gatchalian

Sharing is caring!

Umalma si Senador Sherwin Gatchalian sa sinabi ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na hindi kailangan ng mga pulis na magsuot ng body camera dahil bantay na nila ang Diyos.

Si PNP Drug Enforcement Group Director Chief Supt. Joseph Adnol ang iniulat na nagsabi na hindi kailangan ng body cam dahil ang camera ng mga pulis ay ang Diyos na alam nilang palaging nakabantay.

Ayon kay Gatchalian, wala namang takot sa Diyos ang maruruming pulis gaya na lang ng mga responsable sa extrajudicial killings at mga pumatay sa mga menor de edad sa mga nakaraang drug war operation ng PNP.

Kalokohan din aniya na ikatwiran na sapat na ang parusa sa kabilang buhay para maiharap sa hustisya ang mga maruruming pulis na gumagawa ng krimen dito sa lupa.

“The fear of God alone was clearly not enough to prevent police scalawags from committing extrajudicial killings during the PNP’s previous drug war operations,” pahayag ni Gatchalian.

Si Gatchalian ay naghain ng Senate Bill 1576 kung saan layong gawing mandatory ang pagsusuot ng mga pulis ng body cam lalo na ang mga drug enforcement officer.

Ito’y para magamit na ebidensya ang mga video at audio recording sa paglilitis ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga suspek at laban din sa mga awtoridad na aakusahan ng pag-abuso.

Magagamit din aniyang ebidensya para mapawalang-sala ang mga pulis na inosente naman sa mga bintang na pag-abuso.

Mas maigi na umano itong ebidensya para hindi ‘he said, she said’ ang labanan sa mga kriminal, administrative at civil proceedings.

“Instead of playing the ‘he said, she said’ game, the National Police Commission and the courts will be armed with concrete evidence to fire police scalawags and send them straight to Bilibid,” ayon kay Gatchalian.

Idiniin na nakatitiyak siya na kakaunti lang ang mga police scalawag pero nahahatak ng mga ito ang reputasyon ng buong puwersa ng pulisya. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?