271

By

Hindi proud: Regine awat na sa banat kay Locsin

Gusto na ni Regine Velasquez na tumahimik sa isyu sa pagitan nila ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na nag-ugat sa mga kabibe.

Sa mga bagong tweet ni Regine, saad niyang ayaw na niyang humaba pa ang hidwaan nilang dalawa ng government official.

Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta sa kanya matapos kontrahin si Locsin dahil sa pagiging kalmado sa kabila ng pagkuha ng mga resources ng Chinese sa Panatag Shoal.

Hiling ng ‘Asia’s Songbird’ na ituon na lang ng mga tao ang kanilang atensyon sa pangangalaga ng kalikasan.

Aniya pa tanggap din niyang nagkamali siya sa pagsagot kay Locsin at hindi siya proud dito, ngunit iginiit na dapat pagtuunan ng pansin ang kalikasan higit sa lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?