18

Sep 22, 2020 @ 14:30
By

Hindi porke’t maluho, kurakot na! Martires pinatigil lifestyle check sa mga public official

Nilantad ni Ombudsman Samuel Martires na kanyang pinahinto ang pagsagawa ng lifestyle check sa mga government official dahil aniya’y hindi naman nito napapatunayan kung kurakot ang isang tao.

Lahad ni Martires, wala raw logic ang ginagawang lifestyle check sa mga public official dahil hindi naman umano awtomatikong tiwali ang isang opisyal kung nakabili ito ng mamahaling luho.

“Nung umupo ako, pinatigil ko muna ang lifestyle check kasi matagal na ako may duda sa probisyon ng batas tungkol sa lifestyle check. Gusto ko i-propose sa Congress ng amendments sa 6713 kasi yung provisions there, malabo, walang hulog sa logic,” saad ni Martires.

“Bakit ko pinatigil? What is living beyond your means? Iyong kumikita ng P50,000 a month, lives in a small house, nakaipon, bumili ng BMW na promo, zero interest, kayang-kaya niya hulugan, is he living beyond his means? I don’t think so,” aniya pa.

Sa ilalim ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public officials, sinasaad na dapat ay makibagay ang pamumuhay ng isang opisyal at government employee sa kanilang posisyon at sinasahod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?