73

Nov 18, 2021 @ 21:26
By

Hindi pipitsugin: Duterte ibobotong presidente si Go

Inendorso na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Bong Go sa pagka-pangulo.

Sinabi niya ito sa isang pulong kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Mindoro.

“I am not into politicking. But let me just state for the record and in no uncertain terms that ang kandidato ko pagka-presidente ay si Bong Go,” lahad ng Pangulo.

Ipinagmalaki niya ang magagandang katangian ni Go.

“Si Bong, graduate ng La Salle. Kala nila, pipitsugin… aide, aide, aide. They are not able to see Bong’s talent.

“Itong si Bong, makakita ng pera, percentage, hindi ito nagsusulat, ganoon lang [sa utak niya], ganoon kahusay ito,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?