24

Oct 14, 2021 @ 16:44

Hindi pinapasahod OFW! Deployment ban sa Saudi namumuro

Iminungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia kapag hindi binayaran ng mga employer ang pasahod sa mga OFW.

Sa Laging Handa briefing, ibinunyag ni Bello na umaabot na sa P4.6 bilyon ang hindi nabayarang suweldo sa mahigit 9,000 OFW.

Dagdag ni Bello, binigyan siya ng kapangyarihan ng Pangulo na iuwi sa Pilipinas ang mga OFW.

“Before doing that, we authorized a lawyer to pursue the claims of our OFWs. That was 2016. It is now 2021. Mayroon nang desisyon. Hindi pa rin binabayaran,” saad ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?