354

By

Hindi pala na-hack! Chef na manyak, nag-sorry na kay Sunshine Cruz

Humingi na ng tawad ang chef na nambastos sa anak ng aktres na si Sunshine Cruz.

Ito’y matapos nitong mag-send ng seksuwal na mensahe sa social media account ni Sunshine patungkol sa kanyang mga menor de edad na anak.

“Fantasising about your daughter, kissing her back while touching her” at “Sarap mo pagjak*lan,” yan ang mga pinadalang message ng nagngangalang Lorence Guardian, chef ng Epilogue sa Conrad, Manila na sinibak na sa trabaho.

Saad sa Instagram account ni Guardian, hindi umano siya direktang empleyado ng Epilogue at Conrad at galing siya sa isang agency.

Siya rin ay humingi ng paumanhin sa mga nasabi kina Sunshine at mga anak nito.

“To Ms. Sunshine Cruz and her daughter I am very sorry on what happened in the incident and what I have said through Instagram,” ayon sa IG post.


Matatandaan na sa Facebook account dati ni Guardian ay sinabi nitong na-hack ang kanyang IG, na hindi pinaniwalaan ni Sunshine dahil blinock umano ang kanyang account sa social media ni Guardian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?