96

Feb 25, 2021 @ 16:54
By

Hindi pagsunod sa protocol ng otoridad, pinakinang ng misencounter

Pinakinang umano ng naganap na misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hindi pagsunod ng mga alagad ng batas sa protocol at legal na proseso sa gera kontra droga.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate matagal ng sinasabi ng Makabayan bloc ang hindi pagsunod ng mga otoridad sa standard operating procedure.

“There is more to this bloody incident than meets the eye. This corroborated what we have unearthed back in 2019 about how standard operating procedure in drug operations are wantonly disregarded by police operatives,” ani Zarate.

Sa isang pagdinig sa Kamara de Representantes, sinabi ni Zarate na inamin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sa 5,793 operasyon ng pulis kung saan namatay ang mga suspek tanging 253 pulis lamang na sangkot sa mga operasyon ang sumailalim sa inquest investigation.

Iginiit ni Zarate na dapat sumailalim sa inquest investigation ang lahat ng pulis na kasama sa operasyon kung saan may namatay na suspek.

“This lack of inquest proceedings for cops involved in ‘tokhang operations’ may also be part of the ninja cops modus as who would speak up when the supposed suspect is already dead and the cops who killed him is not investigated,” wika pa ni Zarate.

Ang iniulat ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UN HRC) ay dagdag na dungis din umano sa war on drugs ng administrasyon.

“As it is, this puts into serious question the supposed regularity of the anti-criminality and anti-drug operations of the Duterte administration, that is now becoming a tragic failure,” dagdag pa Zarate.

Ayon kay Guevarra makikita sa mahigit kalahati sa mga kasong sinuri ng DOJ na nagkaroon ng kakulangan ang pulisya sa pagsunod sa standard protocol.

Nanawagan din si Zarate sa liderato ng Kamara na pagbigyan na ang House Resolution 440 na inihain noong 2019 upang maimbestigahan ang kawalan ng inquest proceedings sa mga pulis an sangkot sa tokhang operations.

“While we expect that heads should roll for this bungled incident, Congress should also dig deeper into this continuing wanton disregard and failure of law enforcement agencies and personnel to observe protocols and legal procedures that, as a result, clearly undermines accountability mechanisms in the anti-criminality and anti-drug campaigns,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?