18

Feb 23, 2021 @ 16:02
By

Hindi pagpapagamit ng Sinovac sa mga health frontline worker, senior pinagdudahan

Mas lalo umanong pinagdudahan ang bisa ng Sinovac sa pahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na huwag itong ibakuna sa mga health frontline worker at senior citizen.

Ayon kay House Minority Leader at Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano lumalabas na hilaw ang pagpapalabas ng FDA ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa Sinovac.

Ang Sinovac ay nakapagtala ang 91 porsyentong efficacy rate sa Turkey at 65.3 porsyento sa Indonesia pero 50.4 porsyento lamang sa mga medial frontliners ng Brazil.

Sa kabila hindi malinaw na mga datos na ito, sinabi ni Paduano na nagbigay ng EUA ang FDA.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na ang Sinovac ay maaaring ibigay na lamang sa mga sundalo, pulis, iba pang armadong kawani ng gobyerno at kanilang pamilya.

Kung gagawin umano ito ay magkakaroon ng herd immunity ang armed service sector na mahigit sa 2 milyon ang bilang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?