155

Sep 27, 2021 @ 22:07
By

Hindi pagboto ni Pimentel sa ‘statutory rape’ kinuwestiyon ng netizens

Inaprubahan ng Senado sa huling pagbasa nitong Lunes ang panukalang batas na magtataas sa edad para sa statutory rape at iba pang uri ng sexual abuse.

22 senador ang bumoto sa Senate Bill No. 2332 na magtataas sa edad para sa statutory rape mula 12-anyos pababa patungong 16.

Binibigyan ng panukala ng mas pinaigting na proteksyon ang mga kabataan sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Republic Act 8353 o ang “Anti-Rape Act of 1997”.

Binago rin ng panukala ang kahulugan ng rape at binigyang-diin na lahat ng tao, anuman ang kasarian, ay makagagawa ng naturang krimen.

Inamyendahan nito ang nakasaad sa lumang batas na ang rape ay sa pagitan lamang ng babae at lalaki.

Kinuwestiyon naman ng mga netizen ang pag-abstain o hindi pagboto rito ni Senador Koko Pimentel at pina-trending ang senador sa Twitter PH.

Nagpaliwanag si Senador Pimentel at sinabing sang-ayon siya sa pagtataas sa edad para sa statutory rape at iba pang uri ng sexual abuse pero nag-abstain siya sa botohan dahil aniya sa “sweetheart” provision sa panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: