311
Hindi pa tapos ang Warriors dynasty – Draymond Green
By

Hindi pa tapos ang Warriors dynasty – Draymond Green

Hindi pa rin natitibag ang dinastiya ng Golden State Warriors.

Ayon kay Draymond Green matapos mabitawan ang serye, 114-110, at maibigay sa Toronto Raptors ang kampeonato, taliwas sa paniniwala ng karamihan na tapos na ang paghahari ng GSW.

“Everybody thinks it’s kind of the end of us,” ayon kay Green. “That’s just not smart. We’re not done yet.”

Tatlong kampeonato na ang nasungkit nina Green, Klay Thompson at Stephen Curry, sumungkit pa ng record 73 wins sa isang season.

Nang sumali si Kevin Durant sa koponan, mas lalong napatibay ang dynasty ng Warriors, tingin ng ilan ay ilang kampeonato pa ang kanilang maibubulsa sa liga.

Ngunit dumating ang Toronto Raptors, unang salang sa Finals, championship agad sa bataan ni Kawhi Leonard.

Sey ng ilan, kung sakaling hindi na-injure si Durant at kung natapos ang laro ni Thompson, posibleng iba ang naging storya ng Finals.

Ngunit tapos na ang serye, pagtutuunan na lang ng pansin ang pagpapagaling ni Durant at ni Thompson.

“What matters is Kevin Durant is going to miss next season with an Achilles tear,” ayon kay head coach Steve Kerr told reporters. “What matters is Klay suffered a knee injury. We’ll know more later. But it’s just brutal, just brutal what these guys have had to deal with.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?