100

Sep 12, 2020 @ 16:16

Hindi P300M! P28M lang nagastos sa Manila Bay white sand – DILG

Pinabulaanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pumalo sa mahigit P300 milyon ang ginastos sa white sand sa Manila Bay.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, P28 milyon ang nagastos sa proyekto taliwas sa mga naiulat.

“That already covers the price of dolomite sand, transportation cost, taxes, and other fees. That’s the package of the cost including delivery from Cebu to Manila Bay. It’s not 389 million but 28 million,” ani Malaya sa isang pahayag.

Samantala, hinikayat naman ni Interior Secretary Eduardo Año, vice chair ng Manila Bay Task Force, ang publiko na bisitahin ang “rehabilitated and nourished beach” kapag natapos na ang proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?