46

Oct 6, 2017 @ 8:33

Hindi nila mapapagbagsak si Duterte – Honasan

Pinuna ni Senador Gringo Honasan ang sobra nang partisan politics o pamumulitika sa bansa sa gitna ng mga problema sa Pilipinas.

Sinabi ni Honasan na pangunahin ng problema sa bansa ang kawalan ng katarungan, kahirapan, pagkain, mga tahanan at ang mas malalim na uri ng karahasan.

“The nation is being torn apart by too much partisan politics that has cumulatively contaminated due process and the rule of law,” saad ni Honasan.

Naniniwala si Honasan na napapahina nito ang abilidad ng pamahalaan na protektahan ang life liberty at property ng estado.

Duda naman si Senador Panfilo Lacson na magtatagumpay ang anumang pagtatangka laban sa Pangulo.

“82% approval and trust rate ng Pangulo mahirap mangyari yan na ma-oust ka either through People Power. Military unlikely naman since he’s so close with the military,” saad ni Lacson.

Naniniwala naman si Senador Bam Aquino na gawa-gawa lamang ni Pangulong Duterte ang sinasabing ouster plot upang iwasan ang mga isyung ipinupukol sa kanya.

“He probably also made that up, gawa gawa lang po yan di po totoo. Paulit-ulit na po yan e,” saad ni Aquino. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?