111

By

Hindi natutulog ang tagapagbalita! News anchor sa China, robot

Sharing is caring!

Mukhang kailangan nang magmuni-muni ng mga future broadcaster dahil sa bagong pakulo ng Chinese news agency.

Ang Xinhua, state media ng China, ay nag-develop ng isang artificial intelligence news anchor para makapagbalita ng 24 oras ng walang hinto.

Ito ay unang inilunsad sa siyudad ng Wuzhen sa isang internet conference.

“Hello, you are watching English news program. I am AI news anchor in Beijing,” pakli ng AI na bihasang magsalita ng Ingles.

Ang nasabing AI ay ginawa ng Xinhua at Chinese search engine company Sogou, na dinisenyo para gayahin ang boses ng tao, pati ang mga human expressions at gawi upang magmukha talagang tao.

Self-taught din ang AI na natuto mula sa panonood ng iba’t ibang broadcasting video para maging natural ang pagbabasa ng balita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?