61

Jun 5, 2020 @ 14:15
By

Hindi napigilan ng COVID: Kasal ni CJ Perez, natuloy na!

Sa kabila ng COVID-19 crisis, naitawid pa rin ni Columbian Dyip star ang kanyang kasal sa longtime partner na s Sienna Catacutan.

Dapat ay noong Marso pa ikakasal ang dalawa ngunit dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 ay naudlot ito.

Makalipas ang dalawang buwan ay natuloy na ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan sa isang civil wedding.

Game na ipinakita ni CJ at Sienna ang kanilang wedding ring.

“My wife met me when all I had to offer was potential. When someone bets their life on you, make sure they win,” saad sa caption ni Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?