23

Jan 14, 2021 @ 18:42
By

Hindi namin pinahirapan mga person of interest – PNP

Mariing iginiit ng Philippine National Police (PNP) ang paratang ng mga person of interest sa pagkamatay ni Christine Dacera na pinahirapan umano ito para magturo at sabihing “powdered drugs” ang ikinamatay ng dalaga.

Kaugnay ito sa sinabi ng abogado ng dalawang lalaki na tinakot umano ng PNP ang kanyang mga kliyente na mabubulok ang mga ito sa kulungan kung wala silang ituturong salarin.

Itinanggi ito ni Makati City police chief Police Col. Harold Depositar.

Kinwestyon naman ni BGen. Vicente Danao Jr., hepe ng National Capital Region Police Office, ang mga alegasyon ng mga lalaki.

“Unang-una, they’re coming out… (in) different social media. Same story sinasabi nila. Wala naman sila kinuwento na nabugbog sila. Bakit ngayon, may bugbugan? Whatever reason, sila ang nakakaalam,” ani Danao.

Binalaan din niya ang mga ito na maaari silang makasuhan ng perjury o pagbibigay ng false testimony sa korte dahil nanumpa ang mga ito bago magbigay kanilang mga inisyal na pahayag.

Kasalukuyan namang nangangalap pa ng ebidensya ang kapulisan hinggil sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant.

“Isa yun sa amendment namin, (that is one of our amendments) 8 additional names dun sa complaint. From 11 to 19. We are still waiting for them to appear. You don’t have to be afraid if you have got nothing to hide,” sambit ni Danao.

Matatandaang “ruptured aortic aneurysm” o pagputok ng pangunahing ugat sa katawan ang napaulat na sanhi kung bakit nasawi si Dacera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?