105
Hindi naman kilala: Palasyo dudang may banta sa buhay ni ‘Bikoy’
By

Hindi naman kilala: Palasyo dudang may banta sa buhay ni ‘Bikoy’

Nagpapalusot na lamang umano si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy matapos gawing alibi ang banta sa kaniyang buhay kaya ito lumantad sa publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakapagtatakang may banta sa buhay ni “Bikoy” gayong wala namang nakakakilala sa kaniya dahil hindi naman nakita ang mukha nito habang inilalahad ang mga bintang laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa narco videos na inilabas sa YouTube.

Tinawag ni Panelo na sinungaling si Advincula sa simula pa lamang dahil hindi nito napatunayan ang mga bintang nito laban sa Pangulo at sa pamilya nito pati na kay Bong Go.

“Eh unang-una nga, hindi nga totoo na merong banta sa buhay niya eh, kasi iyong sabi niyang pinagbantaan siya eh, hindi pa nga siya kilala eh, sino ang nagbanta sa iyo, hindi ka kilala. Doon lang ang laking kasinungalingan na iyon,” ani Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?