147
‘Hindi naman ako ang pumatay’ - Bato hindi mag-i-inhibit sa EJK probe
Jun 25, 2019 @ 15:34
By

‘Hindi naman ako ang pumatay’ – Bato hindi mag-i-inhibit sa EJK probe

Bilang bagong chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, handa umano si Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa na imbestigahan ang umano’y nagaganap na extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Sinabi rin ng dating hepe ng Philippine National Police na walang rason para magkusa siyang bitawan ang imbestigasyon.

“Bakit ako mag-i-inhibit, ako ba ang pumatay? Hindi man ako ang pumatay,” saad niya.

“Do you think na kung hindi ako mag-i-inhibit, hindi lalabas ang katotohanan? If you think na hindi lalabas, so mag-inhibit ako,” dagdag pa niya.

Hindi rin aniya siya magiging “biased” sa imbestigasyon dahil senador na siya at hindi pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?