104
Abu Sayyaf
Jul 17, 2019 @ 13:34
By

Hindi nakayanan ang gutom: 9 Abu Sayyaf sumuko

Dahil sa sobrang hirap sa kabundukan dagdag pa ang walang tigil na operasyon at opensibang ginagawa ng militar ay napilitang sumuko ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) bitbit ang kanilang mga armas nitong Lunes sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, bitbit ang 5 M1 Garand Rifle, 2 M16 armalite at 2 kalibre .45 baril ay kusang-loob na sumuko ang siyam na miyembro ng ASG kay Brig. General Antonio Nafarrete, commander ng 1101st Infantry Brigade at Brig General. Corleto Vinluan Jr., commander ng JTF Sulu.

Agad namang dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Gospital ang mga sumukong miyembro ng Abu Sayyaf upang matingnan ang kalusugan ng mga ito.

Sa salaysay ng mga nagsisukong ASG, sobrang hirap na umano ang kanilang nararanasan sa kabundukan, nakaranas sila ng matinding gutom dagdag pa ang walang tulog dahil sa palipat-lipat ng kuta dahil sa walang tigil na opensibang ginagawa ng militar.

Marami na rin umano silang kasamahan na natauhan na at gusto na ring magbalik-loob sa pamahalaan subalit sa ngayon ay naghihintay pa ng tamang pagkakataon para sa kanilang gagawing pagsuko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?