13

Mar 21, 2021 @ 21:57
By

Hindi nakapalag! Nexplay dinurog BREN

Paniguradong nagbubunyi ang mga fan ng crowd favorite Nexplay Esports dahil world champions lang naman ang tinalo ng bataan ni AkosiDogie.

Sa ikatlong araw ng MPL Season 7, hinarap ng NXP ang M2 champions BREN Esports kung saan ginulat ng Nexplay ang Mobile Legends community sa 2-0 sweep.

Naglaro na sa kauna-unahang pagkakataon si Dexter ‘Exort’ Martinez kung saan pinakita niya ang galing sa paggamit ng Yve.

Sa Game 2, solidong 4 kills, 2 deaths at 11 assists ang pinamalas ni Exort, na naging katuwang para manatiling walang dungis ang kanilang carry na si John Paul ‘H2wo’ Salonga na may 8/0/7 KDA.

Hindi naman nakapalag ang M2 MVP na si KarlTzy matapos mahirapang dumiskarte gamit ang Claude.

Sa playoffs na posibleng magkita ang dalawa dahil magkaiba sila ng groupings.

Dahil sa talo ng BREN, bagsak sila sa dulo ng Group A matapos matalo din kontra Onic PH, samantalang nakabawi naman ang NXP sa kanilang kabiguan kontra Laus Playbook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?