845

By

Hindi nagbabayad ng buwis! ABS-CBN isara – mga netizen

Matapos mag-trending ang hashtag na #NoToABSCBNshutdown, umalagwa naman sa social media ang #YesToABSCBNShutdown.

Giit ng mga netizen, hindi dapat idahilan na marami ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang TV network at dapat sisihin ang management sa hindi umano pagbabayad ng buwis.

Hindi rin nila gusto ang pagiging biased daw ng Kapamilya Network.

Magugunitang noong Martes, Disyembre 3 sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang umasa pa ang Kapamilya Network na mare-renew ang prangkisa nito na nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?