88
Hindi na kailangang magprisinta ng ID para makaboto
By

Hindi na kailangang magprisinta ng ID para makaboto – Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na kailangan pang magdala ng identification card (ID) para makaboto sa May 2019 elections.

Ginawa ang paglilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang kumakalat na maling impormasyon na kailangan umano ng voter certificate o voter’s ID para makaboto.

Hindi rin umano totoo na walang ballot secrecy at maaaring malaman ng iba ang ibinoto ng isang kandidato.

“People are saying na walang ballot secrecy. Again, this is not true. There is no means for anyone, not even the Comelec, to determine kung sino ang binoto ng individual voter,” ani Jimenez.

Nakatakda ang midterm elections para sa national at local candidates sa Mayo 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?