58

Apr 17, 2021 @ 11:34
By

Hindi na gumagana kontra COVID! OCTA Research duda sa MECQ

Nangangamba ang OCTA Research group na posibleng wala nang epekto ang modified enhanced community quarantine (MECQ) laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David, base sa datos ay tumataas muli ang growth rate ng COVID-19 sa NCR matapos itong bumaba nang ipatupad ang ECQ.

Lahad ni David, sa NCR Plus bubble ay nakitaan na ng pagbaba sa 20 percent ang growth rate noong strikto ang lockdown, ngunit sa unang linggo ng MECQ ay tumataas muli ito.

“Pero this week, nawala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” saad ni David sa TeleRadyo.

Dahil dito’y posibleng hindi na gumagana ang MECQ laban sa COVID-19 kung hindi bumaba ang kaso ng COVID-19.

“Maybe the MECQ is not working. So we will know more, lalo na we will see the numbers today and tomorrow and by Monday, if they continue to be higher than what we’re expecting, it might be na ‘yung MECQ is actually not working,” lahad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?