19

Mar 1, 2021 @ 18:56
By

Hindi na bilugan! Kiefer Ravena pinasilip abs

Handa na ang katawan ni Kiefer Ravena para sa susunod na PBA season.

Sa Instagram story ng NLEX superstar, na-flex nito ang kanyang katawan na kitang-kita ang kanyang nakatagong abs.

Kasama din ni Kiefer sa court si Magnolia scorer Paul Lee, na kapansin-pansin din ang gumandang katawan.

Kaya naman may pa-hashtag na #TeamBiluganNoMore ang bagong Gilas captain.

Sa nagdaang PBA bubble, marami ang nakapansin ng paglaki ng katawan ni Kiefer, na pinaliwanag nitong dahil sa pag-convert ng kanyang body fat para maging muscle.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?