170

By

Hindi na ako rookie – Ray Parks Jr.

Naging MVP sa UAAP, naglaro para sa PBA at NBA D-League, nagbida sa Asean Basketball League at nakasalang na rin sa Maharlika Pilipinas Basketball League ang 25-anyos na si Bobby Ray Parks Jr.

Ang kanyang huling destinasyon? Ang PBA, na matagal nang hinihintay ang kanyang pagtapak sa pro ranks simula nang siya’y maka-graduate sa National University.

Sa bawat liga, iba-ibang karanasan ang kanyang natutunan, nakaharap na sa local leagues at international na naging paraan ng kanyang paghahanda para sa PBA.

“Coach Jimmy (Alapag) and the guys in the ABL, the NBA D-League, and the NBA Summer League have prepared me well enough for this situation, and the whole purpose of joining the PBA, to answer everybody’s question, is that you join the PBA when you’re ready,” pakli ni Parks.

Kaya naman para sa manlalaro, pakiramdam niya ay sobra na ang pagkahinog niya para sa professional league na hindi na niya kinukunsidera ang sarili na rookie.

“I don’t really consider myself a rookie. It’s my first year in this league, but I felt like I’ve had enough experience playing professionally because people get the misconception that if you don’t play in the PBA. I’ve played in so many leagues, professional, local, and across Asia, so I consider myself a professional,” pakli pa niya.

Sa Disyembre 16 na malalaman kung saan mapupunta si Parks Jr. na paniguradong babagsak sa Top 3 pagdating ng draft night.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?