44
ABANTE-TNT-sereno-imp-hearing
By

Hindi miyembro ng justice committee, bawal sa impeachment hearing ni Sereno

Sharing is caring!

Hindi pinayagan ng House Committee on Justice na lumahok sa proceedings para sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga hindi miyembro ng justice committee.

Sa botohan, 30 miyembro ang pumabor at tatlo ang tumutol sa mosyon ni Deputy Speaker Gwen Garcia na limitahan ang deliberasyon sa mga miyembro lamang ng komite.

Ginawa ang botohan matapos igiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat payagan ang mga hindi miyembro ng komite na magsalita at lumahok sa pagdinig ng justice committee.

Ipinunto ni Lagman na tradisyon sa Kamara na pinapayagang lumahok sa proceedings ng mga komite ang hindi miyembro bagama’t hindi maaaring bumoto.

Pero ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi ordinaryong hearing ang ginagawa ng justice committee kundi dikta ng Konstitusyon.

“Certainly you are free to attend. But if every member of the House, if each member will be allowed we will never finish here,” sabi ni Fariñas.

“You can listen so that you will be already enlightened when you vote in plenary. [But] I reiterate the position of the Committee on Rules [that] non-members of the committee cannot participate in the deliberations,” dagdag ng majority leader.

Sinimulan nang talakayin ng justice committee kung may probable cause ang reklamong impeachment laban kay Sereno. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?