10,747
ABANTE TNT SAME SEX MARRIAGE PHILIPPINES CYNTHIA VILLAR
Sep 11, 2019 @ 15:02
By

Hindi marunong magnegosyo: Mga magsasaka sinisi ni Villar sa paghihirap

Lumabas sa Manila Book Fair ang libro ni Senadora Cynthia Villar na “Seeds of Life” na isinulat niya kasama ng isang Yvette Fernandez.

Para ito sa mga farm school, mga magsasaka at kanilang mga anak.

Sa kanyang libro, tila sinisisi pa rin niya ang mga magsasaka kung bakit sila mahirap.

Sabi ni Villar sa kanyang libro, pinipili ng magsasaka ang mahirap na pamamaraan at hindi tinitingnan ang paggamit ng mga machine para mas mabilis magawa ang trabaho.

“Many of our farmers do things the hard way. They do things on their own, not knowing that there are easier and faster mechanized ways of getting things done,” sabi sa libro.

Para sa mga magsasaka, hindi isyu ang paggamit ng mga machine kundi ang pambili.

Sinisi rin ng senadora ang mga magsasaka kung bakit hindi sila kumikita dahil wala silang tamang pagkakaintindi sa negosyo.

“Many of our farmers do not earn money because they do not have the proper business sense. They do not understand how to run the farm efficiently to make it profitable,” sabi ni Villar.

Walang proteksyon ang mga magsasaka pag tumatama ang bagyo sa bansa na umaabot sa 20 “on the average” taon-taon.

Kapag nasalanta na ang kanilang tanim, mabilis na silang nalulugi at mas nababaon pa sila sa utang sakaling nagkasunod-sunod ang mga bagyo.

Sinisisi rin ni Villar ang mga magsasaka kaya sila nagkakautang dahil sa ‘5-6’ sila umuutang.

Para sa mga magsasaka, umaabot talaga sila sa punto na nangungutang sa ‘5-6’ pag nautangan na nila ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan at wala nang ibang mapuntahan.

Nahihirapan kasi ang mga magsasaka na umutang sa bangko dahil sa mga dokumentong hinihingi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?