39

Jan 11, 2022 @ 17:59
By

Hindi makapaniwala: ‘Entertain Me’ ni Ylona higit 2M na stream

Nagulat din si Ylona Garcia sa mainit na pagtanggap ng netizen sa kaniyang bagong kanta na “Entertain Me.”

Umabot na kasi ngayon sa higit 2,300,000 streams ang nasabing kanta matapos itong i-post sa song streaming app na Spotify nitong Enero 5.

Ipinahayag naman ni Ylona sa kaniyang Instagram ang pagkagulat.

“2.3 MILLION STREAMS AND MORE ?!?!! CONSIDER ME MIND BLOWN!!” caption ni Ylona sa Instagram.

Pinasalamatan din ng singer ang mga sumuporta sa kaniyang kanta.

“Thank you vv much for all the continuous love & support to #entertainme!!” dagdag pa ni Ylona.

Samantala, matatandaang ginamit din ng Riot games ang “Entertain Me” sa trailer ng kanilang bagong Valorant Agent, na isa ring Filipina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?