579

Jun 14, 2021 @ 22:01
By

Hindi maintindihang litanya ni Coco sa ‘Probinsyano’ viral

Trending si Coco Martin sa social media dahil sa hindi maintindihang linya niya sa “Ang Probinsyano”.

Umani ng samu’t saring komento sa mga netizen ang pagkabulol ni Coco.

“Ano daw?” ang karamihang tanong ng mga netizen sa isang eksena ng karakter niyang si Cardo Dalisay kung saan kausap ang karakter ni Christian Vasquez.

Ilan ang nagsabi na ilang beses na nilang ni-replay ang video pero hindi pa rin ma-gets ang sinasabi ng aktor.

May nagbiro pang tila lasing si Cardo.

Halos anim na taon nang umeere ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?