208

Mar 19, 2021 @ 11:52
By

Hindi magandang tingnan! Duterte-Duterte tandem gagawing mala-Davao buong ‘Pinas – Lacson

Tingin ni Senador Panfilo Lacson, hindi kakayanin ng mga Pilipino na maging mala-Davao City ang buong Pilipinas sakaling manalo sa 2022 ang mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara Duterte.

“This is not to take away anything from Senator Go or Sara Duterte or President Duterte, but I don’t think Filipinos are ready to see a Davao City-like political situation in the whole country,” saad ng mambabatas sa panayam ng ANC.

Aniya, hindi maganda sa paningin na maging mala-Davao ang buong Pilipinas kapag naupo ang mag-ama bilang Presidente at Bise Presidente.

“I think it’s a bit too much. While you say it’s constitutional, legal, and it’s really up to the electorate to decide, but sa akin, this is personal, parang hindi magandang tingnan,” dagdag pa ni Lacson.

Matatandaan na hinihimok ng PDP-Laban si Pangulong Duterte para tumakbo ulit sa 2022 sa pagka-bise presidente.

Ngunit sinabi ng Pangulo nitong Huwebes sa joint National Task Force meeting to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na wala na siyang balak pumasok sa politika pagpatak ng 2022.

“Andito si General del Rosario sa Human Settlements. Puro general ito. Si Bong lang ang Presidente, eh… ayaw mo Bong? Eh di mamili tayo kasi ayaw ko rin. Ayaw ko, pagod na ako,” sambit ng Pangulo.

Habang dati pang tinatanggihan ni Inday Sara ang pagtakbo sa 2022 bilang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?