261

Mar 14, 2021 @ 11:02
By

Hindi lang puro pa-sexy! Top 5 pagtulong moment ni Ivana

Hindi na kataka-takang maging ka-level nina Vice President Leni Robredo at philantrophist Angel Locsin ang sexy actress na si Ivana Alawi.

Sa likod ng kasi ng kaseksihan ng aktres ay pinagkalooban din siya ng magandang kalooban, patunay na diyan ang patuloy niyang pagtulong sa kanyang pamilya at nangangailangan.

Sa infographics na inilabas ng Philippine Information Agency, kasama si Ivana sa mga pinarangalan para sa International Women’s Day para sa mga babaeng nagmarka sa taong 2020.

Tara’t balikan natin ang ilang ginawang pagtulong ni Ivana sa kapwa dahilan para mas lalo siyang mapamahal sa masa.

1. P10,000 ayuda sa mga delivery rider

Sa Youtube video ni Ivana na ‘Prank on Delivery Riders + Surprises’, maraming rider na napaluha si Ivana matapos niyang sorpresahin ang mga ito ng P10,000 at libreng helmet.

Na-inspire tumulong si Ivana sa mga rider matapos mabalitaan ang mga naii-scam dahil sa fake book.

2. Relief goods para sa mga sinalanta ni ‘Ulysses’

Hands on din sa pagbibigay ng tulong si Ivana na personal na sumama sa pag-repack at pamamahagi ng pagkain, tubig at ilan pang pangangailangan sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Nang tumama ang naturang bagyo sa Cagayan Valley, nagtungo si Ivana sa Isabela at Cagayan para personal na maibigay ang kanyang tulong sa mga nasalanta.

3. Tulong agad para sa mga nagutom noong ECQ

Isa si Ivana Alawi sa mga celebrity na unang tumulong sa mga nawalan ng kabuhayan noong ipatupad ang lockdown sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic.

May 2020 ay namahagi ng bigas, canned goods at alcohol para sa mga naapektuhan sa ECQ.

4. Bus wash para kay Lloyd Cadena

Isa si Lloyd Cadena sa mga haligi ng content creating sa mundo ng Youtube.

At maraming nagdalamhati dahil sa biglaang pagpanaw ng Youtuber matapos itong tamaan ng COVID-19.

Bilang tulong ni Ivana, gumawa siya ng video kung saan kumasa siya sa hamon noon ni Lloyd na maglinis ng isang bus.

Hiniling ni Ivana sa kanyang subscriber na huwag i-skip ang ads dahil lahat ng kikitain ng naturang video ay ibibigay niya sa naiwang pamilya ni Lloyd.

“Kahit may utang siya sa bahay niya, mas inuna niyang mamigay ng mga tablet sa bata,” pag-alala ni Ivana kay Lloyd.

5. Video editor prank

Hindi napigilan ni Jeff, ang editor ni Ivana, na mapaluha matapos siyang sorpresahin ng aktres.

Sa kaarawan ni Jeff, nagkunwaring galit si Ivana para ma-prank ang kanyang video editor, at mabigyan ng bagong iPhone bilang birthday gift.

Sinabi pa ni Ivana na tinuturing niyang parte na ng kanilang family si Jeff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?