92

Oct 20, 2017 @ 12:57

Hindi lang droga ang problema ng Pilipinas – Villarin

Mas importante sa mga tao ang serbisyo higit sa anupamang isyu.

Iyan daw ang ipinakita ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumabas na ang presyo ng mga bilihin at sahod ang pangunahing concerns ng karamihan sa mga Pilipino.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin, paalala ito sa gobyerno na may iba pang mga problema ang Pilipinas bukod sa iligal na droga.

“The survey shows that felt needs of people at the local level in most parts of the country are basic service delivery more than their concern on drugs,” sabi ni Villarin.

Ipinaliwanag ni Villarin na bagama’t kabilang sa top three local problems ang isyu ng droga, hindi totoong ito ang nangangailangan nang agarang aksyon sa mga barangay.

“It debunks the myth that meth occupies their topmost problem to be acted upon at the barangay level. While drug use and addicts/pushers remain among the top three local problems, it is not the only problem,” giit ng kongresista.

Sinasabi rin anya ng survey na napapabayaan na ang local road infrastructures at flood control na karamihan ay sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa kongresista, dapat magsilbing wake up call ito kay Pang. Rodrigo Duterte na tutukan rin ang lokal na mga imprastraktura hindi lang ang mega projects sa ilalim ng build, build, build program.

Base sa Ulat ng Bayan survey na isinagawa mula Setyembre 24 hanggang 30, ang urgent national concerns ng mga Pilipino ay pagkontrol sa inflation(50 percent), pagtaas ng sahod(42 percent), paglaban sa kriminalidad(36 percent), paglikha ng mas maraming trabaho(32 percent) at corruption (28 percent). Pearl Serrano

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?