443

Aug 5, 2021 @ 12:00
By

Hindi lang basta pogi! Jonvic Remulla: ‘Di ako tulad ng iba

Tila may pinapasaringan si Cavite City Governor Jonvic Remulla na ‘epal’ na politiko. Saad niya kasi sa isang tweet, hindi lang pagpapapogi ang alam niya kundi gumagalaw din siya kahit walang camera ang nakatutok, ‘di tulad ng iba.


“As for those who say papogi lang alam ko, to begin with never ko inisip na pogi ako. Kayo nagsabi non,” sambit niya.

“Hindi ko lang talaga hilig ang mag-post ng lahat ng galaw ko tulad ng ibang politiko. Moving forward, I will update frequently to show we are doing our best for the people,” hirit pa niya.

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na magbigay reaksyon sa naturang tweet.

Samantala, isa ang Cavite sa nangangamoy lockdown bunsod ng COVID spike dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?