615

Nov 19, 2019 @ 15:43
By

Hindi lang basta cauldron: P50M SEAG kaldero, ‘work of art’ – Cayetano

Para kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman Alan Peter Cayetano, hindi overpriced ang ginasta na P50-million para sa stadium cauldron para sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG).

Sa pagdinig ng Senado ukol sa budget para sa SEAG, sinabi ni Cayetano na mas mura pa nga ang ginastos ng Pilipinas para sa tinatawag ngayon ng mga netizen na ‘higanteng kaldero’ kumpara sa P63-million na ginasta noon ng Singapore noong 2015.

Aniya pa, tinuturing ni Cayetano na ang 2019 SEAG ang magiging pinakamalaking event sa kasaysayan ng regional meet.

“2019 SEA Games will be the biggest in history. The cauldron put in the spotlight is cheaper than Singapore’s ₱63 million. The cauldron is not a symbol, it’s the symbol of the games. It’s a work of art,” ayon kay Cayetano.

“While some people see a cauldron, we see a monument. We think it’s appropriate,” saad pa ng mambabatas.

Matatandaan na binatikos ang cauldron dahil sa sobrang laking pondo na inilagak para dito, na ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ay kaya nang magpatayo ng 50 classroom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?