213

By

Hindi lang ako magsasayaw sa Senado – Bong Revilla

Gagampanan umano ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang tungkulin niya bilang mambabatas at hindi pagsasayaw ng “budots” ang kaniyang aatupagin sa Senado.

Batay sa partial at unofficial tally ng Comelec as of May 18, 2019 3:12 PM, nasa pang-11 si Revilla sa 14,529,574 votes.

“Tayo ay mag-perform sa Senado. Hindi tayo magsasayaw lang diyan. Well you know, kung paano ako magtrabaho kung anuman ang komite nating mahawakan ay tayo ay magsisilbi sa bayan,” ani Revilla sa isang panayam sa dwiz.

Nagbiro naman ito sa kaniyang mga kritiko na tuturuan umano niyang magsayaw ng “budots”.

“Don’t worry dun sa mga ano [kritiko] tuturuan ko sumayaw ng budots para di sila masyadong seryoso sa buhay,” dagdag pa niya.

Matatandaang nag-viral at tinuligsa ang TV ads na “budots” dance ni Revilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?