9

Jan 26, 2021 @ 14:00
By

Hindi lahat ng public school gagawing vaccination site

Nilinaw ni Department of Education Secretary Leonor Briones na hindi lahat ng public school ay gagawing vaccinition site dahil maliit lamang ang clinic ng ibang mga paaralan.

Ani Briones, marami pang konsiderasyon ang kailangan nilang tingnan bukod sa espasyo.

“Kailangan i-plano iyan nang maayos kasi mayroon tayong schools na malaki ang clinic, mayroon naman schools na maliit lang. So depende iyan sa situwasyon ng eskuwelahan,” wika niya sa isang briefing kanina.

“Hindi tayo makasabi generally lahat ng clinics magagamit, dahil baka mag-create pa ng problema kasi maliit masyado, kulang ang personnel o malayo sa isang health station,” dagdag pa niya.

Sambit pa niya, hindi dapat magkalapit ang mga pasilidad na pang-quarantine at pang-vaccination.

“Dapat hindi sila magkalapit. Kung may quarantine center, we think twice about using them also as vaccination center, especially kung iyong campus iisa lamang,” saad niya.

Una nang nagpahayag si Pasig City Mayor Vico Sotto ng kanyang balak na gawing vaccination site ang mga pampublikong paaralan sa kanilang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?