300

Jan 7, 2019 @ 18:20
By

Hindi kudeta, nagprotesta kami – Alejano

Mariing itinanggi ni Gary Alejano na sila ay nagsagawa noon ng coup d’état laban sa gobyerno bagkus ito ay isang protesta.

Sa isang interview sa DZMM teleradyo, isang Gil Lumapas ang nagpadala ng katanungan na agad sinagot ni Alejano.

Ang tanong na kung itinuturo ba ang coup d’état sa Philippine Military Academy at kung tama ba ang pagsasagawa nito laban sa gobyerno ay matapang na sinagot ni Alejano na hindi isang kudeta ang kanilang isinagawa kundi isang protesta.

“Hindi po kami nag-kudeta sa gobyerno kami po ay nag-protesta at hindi naman kami nagkukunwari na walang maba-violate na batas. In fact sinabi namin we’re willing to suffer the consequences of our actions at yun na nga nakulong ho kami. Dahil kung mamamatay ka lang naman sa field na paglabas mo sa iyong detachment para mag-operate sa walang saysay ay i-correct na natin yung system,” saad nito.

Dagdag pa ni Alejano maraming naitamang gawi ang naganap na protesta.

“At inilabas natin yung issue sa ating Armed Forces at maraming nai-correct dun maraming mga pagbabagong nangyari at our expense willing naman ho kami at nakulong nga kami since political ang issue nabigyan kami ng amnestiya,” paliwanag ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?