251

Nov 23, 2017 @ 16:27
By

Hindi ko pinag-resign si Usec. Chavez – Tugade

Itinanggi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na siya ang nagtulak para magbitiw sa puwesto si Transportation Undersecretary Cesar Chavez.

“For the record, and contrary to the insinuations of others, I did not cause or ask Usec. Cesar Chavez to resign,” sabi ni Tugada sa kanyang text message sa mga reporters.

Nauna rito, nag-resign si Chavez sa gitna ng mga aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit 3.

Gayunpaman, sinabi ni Tugade na buo ang kanyang tiwala kay Chavez.

“He has my full trust and confidence. We have been doing plans and strategies together, up and until yesterday. Even by texts as I was on sickbay. That is why I am surprised by the very sudden turn of events,” sabi ni Tugade.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Chavez na nagbitiw siya sa posisyon para bigyang daan ang appointment ng ibang tao nas mas kuwalipikado sa kanya sa posisyon. (Isaac Mendez/Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?