15

By

Hindi ko ninakaw ang ‘Wander Bra’ – Direk Joven

Sharing is caring!

May nagki-claim pala na diumano’y original idea nila ang konsepto o kuwento ng ‘Wander Bra’. Ang Wander Bra ang pelikulang sinulat at dinirek ni Joven Tan at pinagbibidahan nina Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa at ipalalabas na sa mga sinehan sa September 12.

Nabasa rin namin ang claim nila na kesyo kinopya raw o sila raw ang nauna sa ideya ng Wander Bra na kunsaan, nanggagaling sa mahiwagang bra na kapag sinusuot ni Kakai ay nagiging super hero ito at nagta-transform na si Myrtle na nga.

Mabuti na rin at naging maagap ang writer/director ng movie na si Direk Joven at sinagot nito ang akusasyon. Iba kapag confident ka talaga at alam mo kung ano ang ginawa.

Nag-sorry naman daw ang nag-post at nagsabing sila ang may original na idea about ‘Wander Bra’ nang sagutin nga ito ni Direk Joven, maging ang taon kung kailan pa niya ito naisip at sinulat at pinost niya nga ‘yung date na 2012 pa.

Ayon kay Direk Joven, “Para lang sa kapanatagan ng loob ng ilang tao. Clear ko lang po. Matagal na pong nagawa ang script at screenplay ng Wander Bra at ngayon lang po ito naisapelikula. Hindi po yata fair na sabihin na may “nang-agaw” ng idea ng iba.

“April 16 po ang sinasabi ninyong brainstorming ng idea, year 2012 pa po, may script na ang Wander Bra. Lahat tayo nagsimula bilang baguhan, masakit maagawan ng idea pero mas masakit ang mapagbintangan sa hindi mo naman ginawa. Hope sa post na ito, matapos ang lahat. Salamat.” paliwanag ng direktor. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?