149

By

Hindi kinaya ang mga basher: Ion nag-resign dati sa Showtime

Emosyonal na Ion Perez ang humarap sa mga madlang pipol nitong Biyernes kasama ang kanyang real-life partner na si Vice Ganda.

Matapos tanggapin ang Breakthrough Artist of the Year ng RAWR Awards ng LionHearTV, nagbigay ng mensahe si Ion sa kanyang mga inspirasyon para makamit ang mga natatamasa ngayon.

“Ni sa panaginip, ni sa guni-guni, hindi ko po naisip na mabibigyan ako ng ganito, kaya, Nay, ‘yung kasama mong nagtitinda ng kakanin may award na,” sey ni Ion.

Naiyak si Ion habang sinasabi ito, na lumaki rin sa hirap sa Tarlac kung saan jeepney driver ang kanyang tatay at nagbebenta naman ng kakanin ang kanyang ina.

Dito nilantad ni Vice na nag-resign na pala dati si Ion sa noontime show.

“Si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa ‘Showtime’ dahil sa sobrang bashing na inaabot niya. Hindi niya kaya. Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya, magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac, kaya niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke,” ayon kay Vice.

Mabuti na lang raw ay kinausap siya ni Direk Bobet Vidanes para mabago ang isip niya.

“Pinagalitan siya ni Direk Bobet para hindi siya huminto sa ginagawa niya,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?