65
abante refund sanofi
Jan 21, 2018 @ 11:38
By

Hindi kasi sapat! Sanofi refund, gawing P2-B – Teves

Hindi umano sapat bilang danyos ang P1.2 bilyon na ibinalik ng Sanofi-Pasteur para sa hindi nagamit na Dengvaxia vaccines.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., dapat mag-demand ang gobyerno ng P2 bilyon na escrow fund mula sa kumpanya na magagamit kapag kinailangan sa pagpapa-ospital ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

“There is no telling when an individual who was misled into getting Dengvaxia shots will have severe dengue. A number of cases of deaths and serious ailments have been recorded as a result of the ineffective vaccine,” ani Teves.

Pero sabi ng kongresista, dapat boluntaryo itong gawin ng pharmaceutical company para ipakitang handa itong tumulong na mapigilan ang banta ng dengue.

“Such act should not be misconstrued by Sanofi-Pasteur as a measure that would settle its criminal and civil liability to Dengvaxia victims,” ayon kay Teves.

Una rito, inanunsyo ni Heatlh Secretary Francisco Duque III na ibinalik na ng Sanofi-Pasteur ang P1.2 bilyon sa gobyerno.

Ayon kay Duque, ipadadala ang tseke sa national treasury. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?